
Salindunong 2020, idaraos ngayong Pebrero
by Airen C. Sajulga, CASS

Upang magkaroon ng talakayan tungkol sa mga hamon at isyu sa wikang Filipino at panitikan sa kasalukuyang panahon, muling idaraos ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ang Salindunong 2020: Ika-13 Pambansang Kumperensiya sa Filipino sa darating na Pebrero 26-28, 2020 sa CASSalida Theater, CASS, MSU-IIT. Labintatlong taon nang isinasagawa ng departamento ang ganitong gawain at iba’t ibang paksa at isyu na rin ang binigyang tuon at pinag-usapan. “Mga Hamon at Bisyon sa Posisyon ng Wikang Filipino at Panitikan sa Ika-21 Siglong Edukasyon” ang tema ng kumperensiya para sa taong ito.
Magsisilbing susing tagapagsalita si Marcel L. Milliam, JD sa kanyang paksa na may pamagat na “Batas at Talastas: Panimulang Unawa sa mga Probisyong Pangwika Bilang Pananggol sa Pinapaslang na Diwa”.
Magbibigay rin ng panayam sina Jesus Federico C. Hernandez, MA (Filipino: Wikang Nasasakdal!), Raquel E. Sison-Buban, PhD (Mga Isyu, Bugso, at Direksyon ng/o Pagsasalin sa Ika-21 Siglong Edukasyon), Marcel L. Milliam, JD (Bekitaktakan: Isang Pagtingin sa Wikang Pambekla Bilang Pag-uusad at Pagyabong ng Wika at ang Epekto Nito sa Kulturang Popular at Wikang Pambansa), Glecy C. Atienza, PhD (Panitikang Buhay, Panitikang Buhay! Kung Bakit may Forever sa Panitikan), Alita T. Roxas, DM (Gabay sa Pagsulat at Pananaliksik para sa Publikasyon), at Marina G. Quilab, MA (Silip-Salát sa Panitikang Bisaya ng Hilagang Lanaw).
Upang bigyan ng espasyo at pagtalakay ang iba’t ibang papel-pananaliksik ng mga guro, mag-aaral, at mananaliksik, magkakaroon din ng mga sesyong paralel sa nasabing kumperensiya. Sa kasalukuyan, umabot na sa limampu’t lima ang bilang ng papel-pananaliksik mula sa iba’t ibang panig ng bansa na natanggap at nabigyan ng kumpirmasyon.
(English)
Salindunong 2020, to be held in February
To provide an avenue for discussion on the challenges and issues of Filipino language and literature, the Department of Filipino and Other Languages will hold the SALINDUNONG 2020: 13th National Conference in Filipino on February 26-28, 2020 at the CASSalida Theater at the College of Arts and Social Sciences, MSU-Iligan Institute of Technology. It has been a practice of the department to organize this conference for 13 years. “Mga Hamon at Bisyon sa Posisyon ng Wikang Filipino at Panitikan sa Ika-21 Siglong Edukasyon” is the conference theme for this year.
Marcel L. Milliam, JD will serve as the keynote speaker who will talk on Batas at Talastas: Panimulang Unawa sa mga Probisyong Pangwika Bilang Pananggol sa Pinapaslang na Diwa.
The conference also features invited speakers who will also give their talk: Jesus Federico C. Hernandez, MA (Filipino: Wikang Nasasakdal!), Raquel E. Sison-Buban, PhD (Mga Isyu, Bugso, at Direksyon ng/o Pagsasalin sa Ika-21 Siglong Edukasyon), Marcel L. Milliam, JD (Bekitaktakan: Isang Pagtingin sa Wikang Pambekla Bilang Pag-uusad at Pagyabong ng Wika at ang Epekto Nito sa Kulturang Popular at Wikang Pambansa), Glecy C. Atienza, PhD (Panitikang Buhay, Panitikang Buhay! Kung Bakit may Forever sa Panitikan), Alita T. Roxas, DM (Gabay sa Pagsulat at Pananaliksik para sa Publikasyon), and Marina G. Quilab, MA (Silip-Salát sa Panitikang Bisaya ng Hilagang Lanaw).
There will be parallel sessions for the discussion of the different research papers of teachers, students, and researchers. Currently, 55 research papers have been accepted for presentation at the conference.