
ANI 2020 Webinar, idinaos ng DFIW
by Loi Vincent C. Deriada and Airen C. Sajulga, CASS

Matagumpay na naidaos ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan ang ANI 2020: Serye ng mga Lektyur sa Filipino noong Oktubre 12, 14, at 16, 2020 sa pamamagitan ng Facebook Livestream.
Tampok sa nasabing webinar ang mga tagapanayam mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sina Ms. Stefani J. Alvarez (mula sa Cagayan de Oro na ngayon ay nakabase sa Gitnang Silangan), Prof. Merlie M. Alunan (retiradong propesor mula sa UPV Tacloban College), Prof. Michael Francis C. Andrada (UP Diliman), Prof. John E. Barrios (UP Visayas), Ms. Deidre R. Morales (UP Diliman) at Prof. Jayson D. Petras (UP Diliman).
Hinati sa tatlong sesyon ang nasabing webinar na may temang Anilá: Mga Sipat ng mga Manunulat sa Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya. Ginanap noong Oktubre 12, ang unang sesyon sa panayam na Wika bilang Suliranin, Karapatan, at Yaman: Ang Pagpaplanong Pangwika mula sa Danas sa Pandemya ni Prof. Jayson D. Petras at Approaches in Teaching Mother Tongue Literature ni Prof. Merlie M. Alunan.
Ipinagpatuloy noong Oktubre 14 ang ikalawang sesyon sa panayam na Diskurso ng Wika sa Panahon ng Pandemya: Kaso ng Panghihiram at Pagsasalin ni Prof. John E. Barrios at DIGITALAS: Paglikha at Pagtuturo ng Panitikang Digital sa Pilipinas ni Prof. Michael Francis C. Andrada.
Tinalakay naman sa ikatlo at huling sesyon noong Oktubre 16 ni Ms. Stefani J. Alvarez ang Ako, Ang Autobiografia, at Ang Dagli at ni Ms. Deidre R. Morales ang Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya.
Umabot sa kabuuang bilang na 1,556 ang rehistradong partisipante samantalang may 47, 925 naman ang kabuuang bilang ng views ng mga video sa opisyal na facebook page ng Ani 2020 Webinar. Ito ang kauna-unahang webinar na isinagawa ng departamento sa pakikipagtulungan ng MICeL (MSU-IIT Center for eLearning) at suporta ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan sa pangangasiwa ng dekana ng kolehiyo, Dr. Rohane M. Derogongan.
Lubos na nagpapasalamat ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika sa pamumuno ng tserperson nito, Dr. Mary Ann S. Sandoval at direktor ng Ani 2020 na si Prof. Airen C. Sajulga sa mga tagapanayam na nagpaunlak lalong-lalo na sa mga guro at estudyanteng nakilahok sa taunang seminar. Katulad ng iba pang proyekto ng departamento, bunga ang Ani 2020 ng pagsisikap ng departamento na magampanan ang tungkulin at pananagutan nito bilang Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng Commission on Higher Education o CHED at patuloy na makapaghasik ng punlang kaalaman at impormasyon sa kabila ng pangkalusugan at sosyo-ekonomikong krisis na kinakaharap ng bansa.
Translation:
DFIW holds ANI 2020 Webinar
The Department of Filipino and other Languages of the College of Arts and Social Sciences successfully conducted the Ani 2020: Series of Lectures in Filipino on October 12, 14 and 16, 2020 via Facebook Livestream.
Featured in the webinar were resource speakers from different parts of the country, including Prof. Jayson D. Petras (UP Diliman), Prof. Merlie M. Alunan (retired professor from UPV Tacloban College), Prof. John E. Barrios (UP Visayas), Prof. Michael Francis C. Andrada (UP Diliman), Ms. Stefani J Alvarez (Writer, Saudi Arabia), and Ms. Deidre R. Morales (UP Diliman).
The webinar was divided into three (3) sessions with a theme Anilá: Mga Sipat ng mga Manunulat sa Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya. The first Ani 2020 was held on October 12, 2020 with a lecture entitled Wika bilang Suliranin, Karapatan, at Yaman: Ang Pagpaplanong Pangwika mula sa Danas sa Pandemya by Prof. Jayson D. Petras and Approaches in Teaching Mother Tongue Literature by Prof. Merlie M. Alunan.
The second session was held on October 14, 2020. Prof. John E. Barrios discussed a topic entitled Wika sa Panahon ng Pandemya: Kaso ng Panghihiram at Pagsasalin, and Prof. Michael Francis C. Andrada about DIGITALAS: Paglikha at Pagtuturo ng Panitikang Digital sa Pilipinas.
Ms. Stefani J Alvarez talked about Ako, Ang Autobiografia, at Ang Dagli, and Ms. Deide R. Morales with her topic Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya in the third session on October 16, 2020.
The webinar gathered 1,556 registered participants and reached 47, 925 views in the official Facebook page of the webinar. This was the first webinar that was conducted by the Department of Filipino and Other Languages in cooperation with MICeL (MSU-IIT Center for eLearning) and also with the support of the College of Arts and Social Sciences headed by the College Dean, Dr. Rohane M. Derogongan.
The Department of Filipino and Other Languages headed by the Department Chairperson Dr. Mary Ann S. Sandoval and the Director of Ani 2020 Prof. Airen C. Sajulga were grateful to the speakers, teachers, and students who attended the annual seminar. Just like any other projects of the Department, Ani 2020 was the result of the diligence of the Department to perform its duty and responsibility, which is to share knowledge and information amidst health and socio-economic crisis in the country.
The Department is a Center of Development in Filipino designated by the Commission on Higher Education (CHED).
Topics : lectures in Filipino Ani 2020