Idaraos ngayong Nobyembre 21-23, 2012 ang Pambansang Seminar sa Filipino na may temang “K+12, MLE at Iba pa: Mga Isyu at Implikasyon sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan” sa Mini-Theater, MSU-IIT sa pagtataguyod ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika, CASS, MSU-IIT.
Ang mga magbibigay ng lektyur sa unang araw ay sina Dr. Pamela C. Constantino, Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City, at miyembro rin ng CHED Technical Committee sa Filipino at Dr. Isagani R. Cruz, Professor Emeritus at University Fellow ng De La Salle University sa Manila na naging Undersecretary ng DepEd. Ang iba pang mga ispiker ay sina Dr. Rosario B. Dizon, Dr. Nerissa L. Hufana, Dr. Mary Ann S. Sandoval, mga Prof. German V. Gervacio, Marina G. Quilab at Chem R. Pantorilla.
Tatalakayin ng mga panauhing ispiker ang napapanahong mga isyu sa edukasyon. Ilalahad ni Dr. Constantino ang tungkol sa Mother-Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) samantalang ipaliliwanag naman ni Dr. Cruz ang tungkol sa K+12 at ang implikasyon ng mga isyung ito sa pagtuturo ng Filipino sa mga batayan at tersaryang edukasyon.
Tatalakayin naman ng mga lokal na ispiker ang iba pang isyu at kalakaran sa pagtuturo ng Filipino.
Topics : filipino