Naglektyur sa isang Pambansang Seminar-Worksyap sa Filipino sina Dr. Marie Joy D. Banawa, Dr. Mary Ann S. Sandoval at Prof. Chem R. Pantorilla ng Departamento ng Filipino at Ibang Mga Wika noong Marso 5-7, 2010 sa Wregent Plaza Hotel, Syudad ng Tagbilaran, Bohol.
Ang worksyap na may temang “Balangkas sa Pagtuturo ng Wikang Pambansa, mga Pagtataya at Pagtatasang Proseso sa Pagtuturo at Pagkatuto at mga Pamamaraan sa Pagtuturo” ay itinaguyod ng Star Literacy Learning Center at dinaluhan ng 115 delegado mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinabibilangan sa mga dumalo ay ang mga superintendente, superbisor, prinsipal, guro, at 5 fakulti mula sa MSU-IIT.
Pagpaplanong-pangwika ang fokus ng lektyur ni Dr. Banawa sa unang araw ng seminar-worksyap. Ang lektyur ay nagbigay linaw tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Ibinahagi naman ni Dr. Sandoval ang kahalagahang maibibigay ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika at panitikan. Samantala, nilinaw ni Prof. Pantorilla sa kanyang lektyur ang wastong pagbubuo ng mga pagsusulit na angkop sa lebel ng mga etudyanteng gagamitan nito.
Naging makabuluhan at malaman ang talakayan sa bawat paksa na ibinahagi ng mga ispiker. Matagumpay ang pagdaraos ng seminar-worksyap na nagtapos sa isang masaya at di-malilimutang lakbay-aral sa Probinsya ng Bohol.
![]() |
(Kaliwa-pakanan) Prof. Quilab, Bb. Herbito, delegado, Bb. Vacalares, Dr. Banawa, delegado, Prof. Pantorilla, G. Mundala, Dr. Sandoval, (gitna-baba) Bb. Tayag. |